Sunday, June 22, 2014


Lust, Lies & Love
Chapter 9
Written By: Irksiel

*thursday's POV*

matapos naming kumain ay naglibot libot pa kami at nanuod ng sine, nag arcade at nagvideoke, parehas pala ksming mahilig kumanta kaya natuwa ako ng nagduduet kami, ako sa female voice at siya naman sa male voice, matapos noon ay maggagabi na ng napagpasiyahan naming dalawa ang umuwi na pero kumain na muna daw kami ng dinner

"So san mo gustong magdinner? " saad ni peecee sakin

"Kahit saan, okay lang sa akin basta libre mo " biro ko dito sabay ngiti ng pagkatamis tamis . Nakita ko bigla itong nagblush at itinuon muli ang atensyon sa pagdadrive

Nakarating na kami sa isang fine dining restaurant sa lugar namin at doon na kami pumasok para kumain

Pagkaupo namin ay agad namang tumawag ito ng waiter at umorder, as usual siya na pinaorder ko kadi di ko maintindihan ang mga salita don sa menu

"So kamusta family mo? " tanong ni peecee sa akin

"Si mama na lang kasama ko sa buhay at tangap niya kung ano man ako, masaya naman kami. Yun nga lang kailangan ko magsunog ng kilay para sa scholarship ko kasi di namin keri ang tuition fee at okay na ako sa twenty pesos na baon araw araw tutal pamasahe lang naman need ko nagbabaon ako " nakangiti kong saad kay peecee, bigla akong kinabahan ng nakakunot noo itong nakatitig sa akin, "bakit? " bigla kong kinakabahang tanong

"How can you manage that? Twenty pesos a day?! Thats too small " sabi nito

"Hmmm minsan may extrang kita ako tulad ng may ipapagawang lesson sa akin o papasagutan sa activity nila, dun ko kinukuha mga needs ko sa pang xerox at minsan pag sinuswerte may pambili ng palamig " saad ko at sabay pakawala ng matamis na ngiti

"Kaya ba lagi kitang nakikitang nakasubsob sa libro at notebook tuwing nakatambay ka sa office ng mga sangre? " tanng ni peecee, na may humahangang tingin o saya ay di ko mawari kung ano nga iyon

"Yup, libre tubig dun at skyflakes kaya tumatambay ako dun " saad ko muli dito

"I see " amused na saad nito at di na muli nagtanong ng dumating na ang mga orders niya

Matapos kumain ay nagbayad na ng bill si peecee at tumuloy kami sa sasakyan at umuwi na, ihahatid na niya daw ako

Nasa kalagitnaan kami ng ghost road ng biglang tumigil ang sasakyan nito. Napasigaw ako ng malakas at yumakap sa kanya dahil natatakot ako. Madami na kwentong nakakatakot sa lugar na iyon kaya naman sobra ang takot ko

"Flat tire". Saad nito at kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at bumaba na ito

"Shit i dont have spare tires "saad nito at bigla tila naging iritado ito. "I dont go anywhere without spare tires " muli nitong saad

"Iwan mo na lang yan dito may mga guard naman mgcommute na lang tayo" saad ko dito at ngumiti

"But-----

"Sige na tara na " saad ko at pinutol na ang ilang sasabihin nito

Pumunta na kami ng highway at nag abang ng masasakyan ng biglang may humintong kotse sa tapat namin

"Uy, ginabi kayo ah " saad ng lalaking sakay ng kotse ng ibinaba nito ang bintana

"Aj, oo nga eh " nahihiyang saad ko naman dito

"San pa ba punta niyo? Punta nga kami sa paradise para dumalo ng lover's fireworks display" nakangiting saad ni aj

"Wow sana makadalo ako jan minsan " nangangarap kong tugon

"Eh di kayo ni patrick sumama " sabi ni aj

"Eeeeehhhhh hindi naman kami magjowa eh " natataranta ko namang saad

"Pare pwede ba kaming makisabay papunta don? " tanong naman ni peecee kay russell

"Oo naman, oh sakay na " nakangiting saad ni russell

"Oh thursday tara na dalo tayo don " nakangiti ng saad ni peecee sakin na ikinagulat ko

"Eeeeehhhhh kami ni peecee ang dadalo sa fireworks display eeeehhhh" saad ng aking isip

Nasa loob na kami ng kotse ng mapansin kong madumi ang damit ni peecee. "Peecee madumi na ang damit mo " saad ko dito

"Ah oo nga " saad ni patrick sabay hubad ng shirt at hinagilap ang shirt niya sa bag

"Wow still sexy patrick huh " nakangising aso saad ni Aj

"Sana nga aj hindi ito kaganda eh" saad ni patrick habang pinupulbusan ang katawan na halos maglaway na ako

"Bakit naman? Ganda nga eh " takang tanong ko

"Ang katawang ito ang dahilan kung bakit mailap sakin ang taong mahal ko " malungkot naxsaad nito sabay suot ng tshirt

"Hmmm kasama mo na nga siya ngayon choosy ka pa? " nakangising saad ni aj

Tinapunan lang ng tingin ito ni patrick na tinawanan lang ng magjowa na ako naman takang taka dahil hindi ko maintindihan ang mga ito

I t u t u l o y . . . .

No comments:

Post a Comment